Tuesday, October 9, 2012

Narinig ko sa UP (Overheard at UP)


‎*non-verbatim*

roommate: alam mo ba nakakawindang yung Psych101 class namin kanina?

me: bakit, ano meron?

roommate: 
Kasi creative presentations namin ngayon. Sa kalagitnaan ng klase, may pumasok na stranger sa room. Lalaki na super haba ng bangs na halos hindi na makita ang mukha. Awkward silence.
Tinanong ni ma'am kung sino siya. Habang nakayuko, in a quiet voice, sabi niya "sit-in lang po". Parang kaming lahat, huh? Last day na ng class ah.
Umupo siya sa seat sa tabi ng door. Nagtinginan na lang kami..

Yung magrereport, nag-iintro pa lang... (yung bag niya nakapatong sa de gulong na lalagyan ng TV, sa tabi ng board)
Tapos biglang BOOM. Tinakbo ni kuyang sit-in yung bag ni kuyang nagrereport.
Edi siyempre shocked kaming lahat. "Anyare?"
Hinabol ni kuya reporter si kuyang sit-in.
Nakihabol din si ma'am.
Naiwan kami sa loob ng classroom at pina-process pa kung anong nangyari.

Tapos pumasok ulit si kuyang reporter sa classroom.
"Yun ang presentation ko, classmates."

About sa Collective Memory. 
Kung gaano daw namin natandaan yung physical features ni kuyang sit-in

me: WOW *slow clap*

No comments: